
Kumusta? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? nais niyo rin ba mangarap tulad ko? tahakin ang kursong gusto niyo? Teka, bago ang lahat nais kong hingin ang kaunting oras na naririto, paningin at tainga sa akin muna'y ibaling. Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat, ako si Trisha Marie Bariquit na naglalayong gamitin ang oportunidad na ito upang ibahagi sa inyo ang aking talumpati patungkol sa aaraling kurso sa kolehiyo, kurso na alam kong magtatawid sa akin sa tagumpay ng dulo. Bata pa lamang, naririnig ko na ang mga katanungang "ano ang gusto mo paglaki" "ano ang mga pangarap mo sa buhay" kaya ako ay nangarap, bunso ako sa limang magkakapatid. Kasabay ng mga pagbago ng aking kasagutan noon na "nais kong maging piloto at libutin ang mundo kasama ang pamilya ko" hindi ito biro sa katunayan sa ...