Kumusta? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa mga pangarap
mo? nais niyo rin ba mangarap tulad ko? tahakin ang kursong gusto niyo? Teka, bago
ang lahat nais kong hingin ang kaunting oras na naririto, paningin at tainga sa akin
muna'y ibaling. Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat, ako si Trisha Marie Bariquit
na naglalayong gamitin ang oportunidad na ito upang ibahagi sa inyo ang aking
talumpati patungkol sa aaraling kurso sa kolehiyo, kurso na alam kong magtatawid sa
akin sa tagumpay ng dulo.
Bata pa lamang, naririnig ko na ang mga katanungang "ano
ang gusto mo paglaki" "ano ang mga pangarap mo sa buhay" kaya ako ay nangarap,
bunso ako sa limang magkakapatid. Kasabay ng mga pagbago ng aking kasagutan noon
na "nais kong maging piloto at libutin ang mundo kasama ang pamilya ko" hindi ito biro
sa katunayan sa unang sakay ko nga sa eroplano labis ang galak sa puso ko. Hindi ako
tulad ng iba na kung ano ang mga pangarap nila noong pagkabata ay iyon pa rin ang
mga pangarap hanggang sa pagtanda. Maraming dapat na isaalang-alang, Maraming
nagbago, at maraming mga bagay ang dumadating at umaapekto. Akala ko ay ganoon
na lamang ang pangarap tila ba petiks-petiks lang ngunit nagkamali ako sa aking
hinala, Hindi ko pala alam ang kahulugan ng tunay na buhay. Hindi ko pa alam ang
tunay kong larangan. Habang lumalaki at tumuntong sa edad na disi-otso ako'y
namumulat Napapansin, natatamo itong reyalidad ng buhay. Kay daming pagsubok
walang katapusan. Marami palang tao na hindi nagtagumpay sa kanilang larangan.
Tinanong ko ang sarili, ako ba'y magtatagumpay? Ako'y nangarap noon tila parang
imposible. Kasing lawak nito ang mga karagatan na nakaparte sa atin. Hindi ko
maikaila mahirap abutin, madaling isipin. Propesyon na aking kukunin..
Beterinaryo ang aking naisin, wari ko'y napapaisip kayo sa inyong upuan,
bakit ito ang kurso na aking kukunin? mahilig ba ako mag-alaga ng hayop? tama ang
inyong naisip isa ako sa mga populasyon sa ating bansa na nag aalaga rin, minsan na
akong nag alaga ng aso o di kaya nama'y mga daga kung kanilang tawagin ngunit ito
ay mga pawang hamster, sabi ko'y wag ninyo gaganyanin dahil ito'y nag aalis ng pagod
sa akin, paguwi kung saan ako nanggaling. isa sa pinakasimpleng sagot bakit
pagbebeterinaryo, upang matiyak ang kalusugan at pangangalaga ng mga naaaping
hayop. Dapat ko rin magawa ang pinakamahusay na posibleng pagsusuri, gamutin ang
iba't ibang sakit na maaaring mayroon ang hayop na pinag-uusapan at tiyakin na ang
mga ginagamot ay ganap na gumaling at magkaroon ng pinakamahusay na posibleng
kalidad ng kalusugan. Ang propesyon na ito ay maaaring matutunan sa kolehiyo at
mahusay para sa parehong mga lalaki at babae.Sinabi ng ibang beterinaryo na madalas
raw hindi nabibigyan ng halaga ang kanilang propesyon sa medical field ngunit diin nila
na pareho lamang ang kanilang mga hangaarin— ang sumagip ng buhay.
Sa madaling salita, ang propesyon ng beterinaryo ay hindi isang madaling
gawain dahil nangangailangan ito ng malaking empatiya sa mga hayop pati na rin ang
pagkakaroon ng mahalagang emosyonal na lakas. Bagama't ang suweldo ay hindi ang
pinakaangkop para sa ganitong uri ng propesyon, ang katotohanan ay lubos na
nakalulugod na makapagpagamot ng isang hayop para sa ilang uri ng sakit at
makapagpapagaling nito. Sa araw-araw na aking pakikipaglaban upang maayos na
makapagaral, makamit ang aking kurso, ang aking pangarap. maraming mga pagsubok
ang aking nakakasalubong sa lansangan mapa-mrt 3 o jeepney man yan. Minsan ako
ay pinalad at minsan nama'y umuwi akong luhaan, ngunit hindi ko ito ipinapaalam sa
aking mga magulang. Alam kong walang perpektong indibidwal sa mundong ibabaw ika
nga, kaya alam ko sa aking sarili kung hanggang saan aabot ang aking mga ngiti sa
kasiyahan at mga luha naman pagdating sa kalungkutan. Walang madali sa lahat ng
aspeto ng ating buhay, lahat ng mga bagay ay aking pinaghirapan, dugo at pawis ang
aking pinuhunan sa pag-aaral. Lahat ng nasa apat na sulok ng kwartong ito ay may
kanya-kanyang pangarap, kanya-kanyang diskarte at kanya- kanyang plano kung
paano makatakas sa madilim na pinanggalingan. aking nareyalisasyon hindi hadlang
ang pagiging mahirap sa taong malawak ang kaisipan at sa mga taong determinado na
makuha ang kanilang kurso.
Kung ako ay tunay na nagsisikap, hindi malayong masungkit ko balang
araw ang aking mga pinapangarap. Hindi ako susuko sa bakbakan, kung kaya ko
namang makipag laban, lalaban ako at ipapakita ko sa aking sarili at taong
nagdidiskrimina na kaya kong makipagsabayan sa kahit anomang larangan. Hindi ako
matatakot na harapin ang kasalukuyan at hindi basta-bastang pakawalan.
Naniniwala ako na may kakayahan akong ipinta at bigyang kulay ang
aking kinabukasan bilang pag bebeterinaryo, Hahamakin ang lahat masunod lamang
ang pusong determinadong mapakinggan. Lahat ay possible; kung may tiyaga,
pagsisikap, at tiwala sa sarili Ako si Trisha, ipinaglalaban ang tagumpay na kahit
matagal pa, alam kong makukuha ko, magsisikap hanggang ang pangarap ay
mapasakamay na ngunit di ako makakalimot na lumingon sa pinanggalingan at
magsilbing inspirasyon pa sa iba. Kaya tulad ko, mangarap ka, samahan mo akong
magbeterinarya. Maraming salamat po sainyong pakikinig, nawa ay nabigyan ko rin
kayo ng inspirasyon sa pagkuha ng inyong kurso.
Comments
Post a Comment